PROYEKTONG PANTURISMO
MGA MAGAGANDANG TANAWIN SA BICOL
ANG
BULKANG MAYON
Bulkan Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulong Luzon sa Pilipinas. Bantog ang
bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito.
BUNDOK ISAROG
Ang Bundok Isarog ay matatagpuan sa lalawigan ng Camarines Sur sa isla ng Luzon, Pilipinas. Pinagtaguan ang bundok na ito ng mga Bicolanong gerilya noong panahon ng Hapon. Sa pamumuno niRomulo Jallores at ng kanyang kapatid, dito rin naitatag ang Bagong Hukbong Bayan sa rehiyongBicol noong dekada 1970.
BUNDOK IRIGA
Ang Bundok Iriga,
nakikilala rin bilang Bundok Asog, ay isa sa mga bulkang aktibo sa Pilipinas, na nasa lalawigan ng Camarines Sur, sa Pilipinas. Ang Bundok Iriga ay isang istratobulkan na humigit-kumulang isang kilometro mula
sa Lawang Buhi. Nakaangat ito nang 1,196 m
(3,924 ft) na mayroong diyametrong paanan na 10 mga
kilometro. Pumutok ang Bundok Iriga noong 1628 at noong 1642.[2] Pangkalahatang nakikilala ang Bundok
Iriga dahil sa mga pagsabog nitong preatiko.
ANG MGA SIKAT NA PAGKAIN NG BICOL
BICOL EXPRESS
Ang pangalan na Bikol Express ay hinango mula sa tren
na tumatakbo mula Maynila patungong Bikol.
Ito ang isa sa mga pinakakilalang pagkain na nagmula sa Bikol.
LAING
Ang laing ay isang uri ng pagkaing Pilipino na kinasasangkapan ng pinatuyong mga dahon ng gabi na
niluto sa gata at tinimplahan ng bagoong, tumatagal ng 5 minuto ang pagluto ng laing
BALISOSO
Ang Balisoso isang matamis na pagkain na gawa sa giniling na kamoteng kahoy at malagkit na bigas na binalosa dahon ng saging.
PILI (PILI NUT)
Ang
pili (Ingles: pili nut;
pangalang pang- agham: Canarium
ovatum), ay isang uri ng bungang mani at puno.[1] Isa lang ito sa 600 na mga uri ng pamilyang Burseraceae,
at katutubo ito sa Pilipinas na marami sa katimugang Luzon, at parte ng Bisayas at Mindanaw. Tinatawag din itong almendras (Ingles: almond) bagaman tunay na almendras ay ang punong dulcis.
Mga Produkto
ABAKA
Ang Abaka ay isang klase ng
sinulid, seda o pibro na gawa sa sangga ng punong saging o ang tinatawag nating Musa Textilis sa wikang Latin.
Mga pagdiriwang sa bicol
TINAGBA FESTIVAL
Nang
nagsimulang makilala sa buong Pilipinas ang pagdiriwang ng Tinagba sa bayan ng
Iraga, Bicol. Nagsimulang akitin nito ang mga mata ng mga Pilipino sa
iba't-ibang panig ng bansa. Pati na rin ang mga turista na dumadayo taon-taon
sa Pilipinas. Ang kanilang mga hinahanda na pagkain tuwing ipagdiriwang ang
fiesta katulad nito ay hindi rin magpapatalo sa sarap galing sa iba't-ibang
taong nagluto nito.
PISTA NG PEÑAFRANCIA
Sinisimulan ang araw ng kapistahan ng isang
novena o siyam na araw na pagdarasal bilang pagpupuri sa Birhen. Sa unang araw
ng pagdiriwang, ang imahe ng birhen na dibuho ng Madonna sa Peñafrancia,
Espanya ay dinadala mula sa kanyang dambana papuntang Naga Metropolitan
Cathedral kung saan gaganapin ang novena. Sa huling araw, ibinabalik ang imahe
sa kanyang altar matapos ang ruta sa ilog Naga. Nagkakaroon ng parada sa ilog
ng mga bangkang binalutan ng mga disenyo at ang pagoda ang magdadala ng imahe
pabalik sa kanyang dambana.
Mga Pamumuhay ng mga tao sa Bicol
Maraming tao na
naninirahan sa Bicol na ang tanging ikinabubuhay lang nila ay ang pangingisda,
pagtatanim, pagmimina sa kabundukan at pagtotroso. Marami sa kanila nagiging
mahirap sa kawalan ng pagkakakitaan dahil na rin sa kawalan ng hanap-buhay.
Hindi ganoon karami at kaganda ang mga nahahanap na pwedeng pagkabuhayan dito.
Ang iba naman sa kanila ay nawawalan na lang agad-agad ng hanap-buhay dahil sa
nauubos na rin ang mga pwede nilang pagkakitaan
KASAYSAYAN
NG BICOL
Ang rehiyon ng Bicol ay kinilala din bilang “Ibalon” na ang ibig sabihin ay “mga tao mula sa kabilang dako”, na isang “sitio” o baryong itinatag ng mga Espanyol sa kanilang unang pagdating noong 1567. Ang rehiyon ay tinawag ding “Los Camarines” matapos itong makilala ng mga Espanyol sa panahon ng kanilang pananakop sa bansang Pilipinas. Ayon sa pag-aaral, walang labi ng mga hayop ang natagpuan sa rehiyon, at ang mga labi ng mga sinaunang katutubong nanirahan dito ay nananatiling lingid. Ngunit, ang pag-aanyo ng mga Aeta mula sa Camarines Sur hanggang sa Sorsogon ay nagpapahiwatig na mayroon ngang mga katutubong nanirahan sa rehiyon noon pa man. Mula sa mga pagsisisyasat, napagtanto na noong 1569, isang sistema ng lipunan na tinatawag na “Barangay” ang umiral.Ito ay pinamunuan ng isang “datu”, na hinihirang ayon sa kanyang kakayanan, katapangan, at katalinuhan. Ang impluwensya ng datu ay higit na importante lalo na sa panahon ng giyera at krisis, sapagkat siya ang nangunguna sa paggawa ng desisyon ukol sa mga gagawing hakbang sa panahon ng kaguluhan. Ang sinaunang kalipunan ng mga Bikolano ay nakasentro sa prinsipyong pam-pamilya, at ang tumatayong pinuno ng bawat pamilya ay ang mga ama.
references
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento